palabas

heto na’t magbubukas na’ng mga kurtina,

maya maya lang ay magsisimula na ang programa;

halina’t ihanda ang iyong mga mata,

wag kang kukurap at baka may hindi makita…

hindi mo masasabi kung ano’ng mangyayari,

sa bawat eksena’y may nakatagong sorpresa;

minsan ika’y tatawa, at minsa’y babahain ng luha,

isang minuto, ika’y umiibig, maya-maya’y nagdurusa…

tila mga bitwing nagsihulog sa langit,

mga aktor na sadya ngang kaakit-akit;

mga matatamis na ngiti’y sa kanila’y namumutawi,

sa likod ay pagluha’t lubos na pighati…

tara na’t panoorin ang daloy ng bawat tagpo,

kasabay ang bawat segundong tuloy sa pagtakbo;

halina’t panoorin ang bawat pag-iyak at pagtawa,

dito sa entablado ng buhay kong madrama…

Bookmark and Share

One Response to “palabas”

  1. Ronna Says:

    As always… Napakagaling pa rin! Keep it up! and well… season’s change… it cant be winter all year round… spring will come soon…

Leave a Reply